Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Napakapit sa live wire, caretaker nangisay

0 56

NASAWI ang isang 40-anyos na caretaker sa isang piggery farm na pag-aari ng isang engineer nang mahawakan nito ang isang live wire habang inaayos ang isang extension wire sa Magallanes, Cavite.

Kinilala ang biktima na si Rene Caballes, ng Magallanes, Cavite, caretaker sa isang pigerry farm na pag-aari ng isang Engr. Laba, sa Brgy Medina 1, Magallanes, Cavite.

Sa ulat ni Corporal Mar Jay Bencito, ng Magallanes Municipal Police Station, alas-11:30 kamakalawa ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng farm ng naturang engineer.

Habang inaayos ng biktima ang isang extension wire ay aksidente nitong nahawakan ang isang live wire dahilan upang mangisay ito naging dahilan ng agaran niyang kamatayan. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.