Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Napakapit sa live wire, gumagawa ng bahay patay

0 292

TODAS ang isang construction worker nang aksidenteng makuryente habang gumagawa ng bahay sa Barangay Poblacion Sur, Sta. Maria, Ilocos Sur Miyerkules ng hapon.

Nakilala ang biktima na si Reynaldo Guerero Adriatico, 40, may asawa, ng Barangay Tnaan sa nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, ayon sa Sta. Maria Police Station (SMPS) naganap ang insidente bandang alas-4:50 ng hapon sa ginagawang bahay ng isang Desa Directo Abaya.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa SMPS, kasalukuyang nagkukumpuni sa kisame ng bahay ang biktima nang aksidente nitong mahawakan ang isang livewire na nakalawit sa bubungan.

Dahil dito, biglang nanginig ang biktima at nahulog sa lupa.

Agad na dinala si Adriatico sa Judge Celestino Guerero Hospital (JCGH) ngunit siya ay dead-on-arrival ay kay Dr. Mila P. Guerero. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.