Abante Tonite Interactive

Napanaginip ang isang aktres

0 329

Napanaginip ko ang aking paboritong aktres. Sa panaginip ko parang classroom ang paligid at nasa harap ang idol ko.

Ako daw ang tinanong ni idol. Hindi ko na matandaan ang eksaktong tanong niya pero ang naaalala ko ay matagal akong nag-isip.

Parang nahihiya na nga daw ako dahil ang tagal ko nang nakatayo at nag-iisip ng sagot. Nasagot ko naman nang tama ang sagot pero pakiramdam ko ay hindi ko na-impress ang aking idol. Ano po ang ibig sabihin ng panaginip ko.

Ang panaginip tungkol sa isang aktres ay indikasyon na sa aktuwal na buhay ay naghahanap ka ng rekognisyon, pagkilala. Gusto mong magpakitang gilas at ma-impress ang lahat ng tao sa iyong paligid. Naghahanap ka ng popularidad na magagamit mo para lumakas ang iyong kontrol sa mga pangyayari sa iyong buhay.

Related Posts

Sa iyong panaginip, sinabi mong natagalan kang sumagot sa tanong at pakiramdam mo ay hindi mo nagawang ma-impress ang iyong idolo. Ganito rin ang nangyayari sa iyong buhay, may pakiramdam ka na hindi sapat ang mga ginagawa mong effort at hindi mo naa-achieve ang gusto mo. Pakiramdam mo ay kulang pa ang mga ginagawa mo kaya tila naghahanap ka ng pagkilala.
Ang aktres ay simbolo rin ng paghahanap mo ng materyal na tagumpay.

Sinusukat ng iyong subconscious ang mga nakakamit mong achievement sa buhay at sa likod ng iyong isip, kulang pa ito.

Sa kabuuan, masasabi namang positibo ang iyong panaginip dahil ito’y tumutukoy sa iyong goals sa buhay. Nangangahulugan lamang ito na naghahanap ka ng tagumpay at indikasyon ito na magsisikap ka pa para makamit ang extent ng hinahanap mo.

Gamiting inspirasyon ang iyong panaginip para makamit ang mga pangarap mo sa buhay. Walang masama sa paghahangad ng tagumpay, walang masama sa pangarap na magkaroon ng mas mataas na pagkilala. Ang iyong panaginip ay simbolo ng pangarap mo sa buhay. Nasa iyo ang lahat ng paraan at pagkakataon para makamit ito.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.