Abante Tonite Interactive

Napanaginipan ang dalawang namatay na tiyuhin

143

Napanaginipan ko po ang dalawang tito ko. Pareho po silang close sa akin. ‘Yung isa po 9 na taon nang patay, ‘yung isa naman po 6 months pa lang namamatay. Pinatay siya at wala pang nakakamit na hustisya.

Sa panaginip ko parang comatose pa lang ‘yung tito kong matagal nang patay at inaantay namin siyang magising. Sinabihan po ako nu’ng tito ko na kamamatay lang na kausapin ko daw po ‘yung tito ko na comatose. Nu’ng hinawakan ko po ‘yung kamay nu’ng tito kong comatose, hina­wakan daw niya ako ng mahigpit at sabay dumilat kaya masayang-masaya ako. Napansin ko po na iyong ibang tao na kasama naming sa kuwarto parang walang kibo. Pagtingin ko naman po sa tito kong kamamatay lang nakita ko siyang nakangiti tapos bigla na lang siyang nawala at doon na po ako nagising.

Ang iyong panagi­nip ay nagpapahiwatig lamang na nami-miss mo na ang iyong mga tiyuhin. Sinabi mo ngang pareho silang close sa iyo. Bagama’t sa tito mong matagal nang patay ay nagkaroon ka na ng acceptance, sa tito mong kamamatay lamang ay hindi pa.

Kung idaragdag pa ang sinabi mong pinatay itong tito mo at wala pang nakakamit na hustisya. Hindi mo pa natatanggap nang lubusan ang nangyari sa kanya. Naghihintay ka pa ng closure kung mabibigyan ng hustisya ang kanyang pagkamatay.

Ang iyong tito na siyam na taon nang namatay ay napanaginip mo dahil sa pagkamatay ng iyong isang tito. Mas­yadong tragic ang pagkamatay ng pangalawan­g tito mo dahil pinatay siya. At dahil pareho silang close sa iyo, labis na nangulila ang puso mo dahil isa na namang tiyuhin mo na close sa iyo ang namatay.

Binibigyan ka ng closure ng iyong subconscious para matanggap ang pagkamatay ng iyong tito. Sa iyong panagi­nip ay nakita mo siya, nakausap at nakasama. Binigyan ka rin ng pagkakataong mahawakan at makasama kahit sa maigsing sandali ang iyong tito na matagal nang namatay.

Kung ikaw ay naniniwala naman sa ‘visitation dream’ o dumadalaw sa ating panaginip ang mga namatay nating mahal, puwede mong ituring ang iyong panaginip bilang mensahe ng iyong kamamatay na tito. Ang mensahe ay nasa maa­yos na siyang kalagayan at kasama na niya ang iyong u­nang tito na matagal nang namatay.

Sa kabuuan, ang mga ganitong pana­ginip ay isang paraan ng ating isip para magkaroon ng tuluyang acceptance at matanggap ang pagkawala ng ating mga mahal. Makatutulong din na pareho mong ipagdasal ang dalawa mong tito upang makatulong sa iyong pangungulila sa kanila.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang espirituwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.