Abante Tonite Interactive

Napanaginipan ang dating crush

295

Napanaginipan ko na ang dati kong crush. Bata pa ako nang maging crush ko ang taong ito pero ilang taon ko na siyang hindi nakikita at hindi rin naiisip man lang kaya nagtaka ako kung bakit napa­naginipan ko siya.

Isa ito sa mga ­common dreams – ang mapanaginipan ang mga taong naging bahagi ng ating nakaraan. Sinabi mong ma­tagal mo nang hindi nakikita at hindi naiisip ang crush mong ito pero napanaginipan mo siya. At ang pana­ginip na ito ay maa­aring ikonek sa kagustuhang magkaroon ng isang simple at inosenteng relasyon.

Ang crush o pag­hanga na naramdaman mo sa taong ito ay bahagi ng iyong kabataan kung saan simple at inosente pa ang pagtingin mo sa pagmamahal. Ngayong hindi ka na bata ay posibleng naikukum­para ng iyong inner self na mas masarap ang feeling ng pagkakaroon ng isang ino­senteng pagmamahal. Maa­aring nasa isang masalimuot na relas­yon ka o komplikadong lovelife at dahil dito’y hindi mo namamalayang naikukumpara mo na mas masarap pa ang hindi komplikadong buhay-pag-ibig.

Ang iyong childhood crush ay simbolo ng pagmamahal na walang halong kom­plikasyon kaya para sa inner self mo ay ito ang pinaka-ideal na pagmamahal. Hindi man direkta pero maa­aring ito ang lihim na wish ng puso mo – ang makabalik sa ganitong klase ng lovelife.

Related Posts

Karaniwang nana­naginip tayo ng ga­nito kung sa kasalukuyan nating relasyon ay hindi tayo kuntento, hindi masaya at may lihim pang hinahanap ang ating puso.

Ang iyong crush ay simbolo lamang at hindi naman nangangahulugan na siya ang tunay mong gusto. Sa halip, ang kainosentehan ng pagmamahal na nakita mo sa pana­hong crush mo siya ang posibleng hinahanap mo.

Pero ikaw lamang ang makapagsasabi kung ang lovelife mo ngayon ay hindi masaya at may komplikas­yon. Ikaw rin ang ta­nging makapagbibigay ng solusyon para mabago ito at makamit ang tunay mong kagustuhan.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating pana­ginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.