Abante Tonite Interactive

Napanaginipan ang ibang lalaki

968

Dear Dream Catcher,

Napanaginipan kong nakikipag-sex ako pero sa hindi ko asawa. Paggising ko, parang nare-recall ko pa ang mukha ng lalaki pero hindi ko naman siya kilala or hindi ko pa siya nakita sa buong buhay ko. Ano po ibig ­sabihin ng panaginip ko?

Janine

Ang iyong panaginip ay isang malinaw na indikasyon na bagama’t may asawa ka na, sa likod ng iyong isip ay naghahanap ka ng atensyon.

Ang iyong panaginip ay madalas nangyayari sa isang tao na “unfulfilled” sa kanyang relasyon. Maaaring nagkukulang ang iyong mister kaya deep inside nagkakaroon ka ng wishful thinking na ano kaya ang pakiramdam kung iba ang iyong naging asawa.

Related Posts

Ang iyong dream lover naman ay representasyon lamang ng ideal lover na hina­hanap ng iyong isip. Puwede mo itong aminin sa sarili mo o hindi. Pero ang subconscious mo na ang nagpakita ng iyong ­tunay na nararamdaman.

Makabubuting gumawa ng paraan para maibalik ang init ng iyong buhay-may asawa.

Dream Catcher

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kina­laman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang pana­ginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.