Abante Tonite Interactive

Napanaginipan ang patay na kakilala

402

Hello, ask lang sana ako kung anong mea­ning po nang napana­ginipan ko na isang taong malapit sa akin pero patay na po sya.

Sa panaginip ko po buhay na buhay sya tapos npagsarhan ko pa po sya ng pinto dahil sa pana­ginip ko nagsi-CR po ako tapos gusto nyang pumasok.

Nasugatan daw yung braso nya dahil sa pagsara ko ng pinto.

Umiyak daw siya at niyakap ko tapos pinahiga ko na sya sa salas. Doon na po naputol yung pa­naginip ko. Ano po kahulugan nito?

Hindi mo nabanggit kung ano ang ­naging relasyon mo sa taong ito: isa ba siyang close friend or kaanak, love interest o kung anu pa man. Pero dahil nga ikaw naman lamang ang makapagbibigay ng eksaktong interpreta­syon ng iyong panaginip, narito ang ilang masasabi nating puwedeng maging kahulugan nito.

Kadalasang napapanaginipan natin ang isang taong namatay na kung nangungulila tayo sa taong ito. Madalas itong nangyayari kung kamamatay lamang ng taong ito, kung wala pang isang taon ang kanyang pagkamatay at hindi ka pa talaga nakaka-move on. Madalas din magkaroon ng ganitong pana­g­inip kung maituturing na hindi pangkaraniwan ang kanyang pagkamatay tulad ng mga trahedya, aksidente at iba pa na nag-iwan ng matinding trauma sa mga namatayan.

Kung nasa ganitong estado ang pagkamatay ng taong ito at kung sadyang naging malapit siya sa puso mo, posible nating sabihin na hindi ka pa marahil nakaka-move on. Hanggang ngayon nangungulila ka pa sa kanya.

Related Posts

Sa iyong pana­ginip, naging dahilan ka pa para masaktan ang taong ito. Nasu­gatan siya nang mapagsaraduhan mo ng pinto. Naging dahilan ka para mapaiyak mo siya. Kung pagbabasehan ang senaryong ito, hindi kaya meron kang guilty feelings sa taong ito? Kung noong nabubuhay siya at meron kang nagawang kama­lian sa kanya, kung nagkagalit kayo at hindi nabigyan ng pagkakataong magkaayos bago siya namatay ay puwede mong ikonek ang bahaging ito ng iyong panaginip. Sa puntong niyakap mo siya at pinahiga sa salas ay nagpapakitang gusto mong ipadama sa kanya ang iyong pag-aaruga at pagke-care.

Nan­dun din ang hindi direktang paghingi ng paumanhin dahil nasugatan mo siya. Ikaw lamang ang makakasagot, may dapat ka bang ihingi ng patawad sa namatay na taong ito?

Kung wala ka namang maramdamang koneksyon sa mga senaryong nabanggit, balikan mo ang mga pangyayari sa mga nakaraang araw bago mo siya napana­ginipan. Meron bang isang pangyayari na nagpaalala sa iyo o nagtrigger ng memory mo tungkol sa taong ito? Maaring isang sitwa­syon ito. Maari rin namang isang tao ang nakitaan mo ng kaparehong ugali o kaya naman ay kahawig ng taong namatay.

Kung may ganoong pangyayari, ito ang naging dahilan kaya mo siya napanaginipan.

Sa kabuuan, wala namang naging mensahe sa iyo ang taong ito kaya naman mahirap ding ituring ang iyong panaginip bilang isang “visitation from the dead” bukod pa sa nakasalalay ito sa iyong ispiritwal na paniniwala kung kumbinsido kang may mensahe nga siya sa iyo.

Anuman ang iyong maging interpreta­syon, alalahaning hindi mo man makausap ang taong ito dahil patay na siya, maaari namang iparating ang iyong mensahe para sa kanya: mensahe ng ganap na pamamaalam, sa pamamagitan ng pagdarasal. Ipagdasal ang kanyang katahimikan doon sa kabilang buhay.

– Dream Catcher

DISCLAIMER: Ang DREAM CAT­CHER ay nagbibigay lamang ng ge­neral information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispi­ritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong ­isangguni ang kanilang ­panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.