Abante Tonite Interactive

Napasubo kay Jennylyn: Coco nag-t-back

2,176

May pa-T-back pala si Coco Martin sa filmfest movie niyang “3pol Trobol: Huli Ka Balbon” kung saan kasama niya sina Jennylyn Mercado at Ai Ai delas Alas.

Kuwento ni Coco, sobrang iniba niya itong pelikula dahil alam daw niyang hindi puwede ‘yung napanood na sa “Ang Probinsyano”. Mapapahiya raw siya kung pareho lang, so dapat magkalayo.

Ginawa man niya rito ‘yung pinasikat niyang drag character na si Paloma, sobrang iba raw ito at times five ng ginawa niya noon.

“Kasi, sinagad ko na siya, eh. Kumbaga, huling beses ko nang gagawin ‘yung karakter ni Paloma, sasagarin ko na,” bulalas ng Kapamilya Primetime King.

Ngayon daw, ‘pag in-analyze ni Coco kung anong pinakamahirap na pelikulang ginawa niya bilang aktor, ito na raw ‘yon.

“Ang hirap magbihis-babae, talagang in-effort-an ko. Lahat ng looks ko, talagang iniba-iba ko. Hindi ako ‘yung palit-makeup lang. Lahat, contact lens, kuko, palit.

“Ako ‘yung dumarating na pinakamaaga sa set. Kasi nga, 1 ½ hours akong minemeykapan. Tapos, bibihisan ako na kung anu-anong nilalagay sa akin para maging sexy.”

Paano nga ba siya ginawang sexy?

“Ang dami palang mga palaman-palaman dito (sa tagiliran) na mga basahan! Ha! Ha! Ha! Lahat ng pawis ko, hinigop ng basahan!” natatawang pakli ng aktor.

Tapos ay nagkasugat-sugat daw ang katawan niya dahil nagsuot siya ng corset.

“Actually, napasubo ako rito. Nu’ng pinresent ko kay Jennylyn ‘yung concept, sabi ko, ‘Jen, ganito ‘yung mangyayari, ganyan-ganyan. Tapos, may eksena tayo rito, magsu-swimming tayo, naka-swimsuit ka. Tapos, ako rin naka-swimsuit, tapos naka-T-back.

“Eh siyempre, nu’ng pinresent ko kay Jen, para pumayag siya, ine-excite ko siya. Eh nu’ng gagawin na namin ang pelikula, kaya ko bang panindigan?

“Kasi nga, kailangan kong magpakita ng puwet. Eh siyempre, mapapahiya naman ako sa kanya (Jen) ‘pag hindi ko ginawa. Ginawa na namin sa pelikula.”

So, makikita pala sa movie ang puwet niya?

“Actually, ‘yun ang babayaran ng mga tao, eh! Ha! Ha! Ha!” tawa ng tinaguriang King of Philippine TV.

‘Yung Paloma niya raw sa pelikula ay ibang-ibang Paloma at talagang sinagad na niya.

“Actually, isa sa pinaka-highlight ng pelikula ‘yung nilalandi ko si Sam (Milby) na sumasayaw ako sa harapan niya, ganyan. Tapos, ‘yung magki-kiss kami. Iba, ibang ano.

“Kasi, sabi ko nga, gagawa ka na rin lang ng comedy, sagarin mo na. Wala nang tipiran. Lahat ng maiisip mo, lahat ng mga hindi ine-expect ng mga tao.

“Sabi ko nga, sana lang after nito, lahat ng nanonood ng ‘Probinsyano’, bumalik pa rin ‘yung pagtingin nila kay Cardo. ‘Yung respeto sana, nandu’n pa rin,” natatawang sambit ni Coco.

Hindi lang daw isa o tatlo ‘yung babae-babaehan na karakter niya sa movie kundi marami, kaya may sarili siyang glam team.

Mula raw sa wig hanggang sa mga damit na susuotin ay pinag-aralan talaga nila kaya bawat eksena ay iba-iba.

Kontrabida si Sam sa pelikula pero tila love interest din daw ito ni Paloma. Bukod sa bida ay si Coco rin ang nagsulat, nagprodyus at nagdirek ng “3pol Trobol: Huli Ka Balbon” na isa sa mga pampasayang handog ng MMFF ngayong Pasko.

‘Balls’ ni Aga nasa lalamunan

Hindi kalakasan sa takilya ang dalawang pelikulang ipinalabas kamakailan na ang mga bida ay may kapansanan.

Si Sarah Geronimo ay may autism spectrum disorder sa “Unforgettable” at ang kapareha ni Maine Mendoza na si Carlo Aquino ay deaf sa “Isa Pa with Feelings”.

Mentally challenged ang role ni Aga Muhlach sa MMFF 2019 entry na “Miracle in Cell No. 7”, but unlike the other two, mukhang mas may laban sa takilya ang pelikula ni Aga na Pinoy adaptation ng isang hit Korean movie.

Maraming nagkagusto sa 2013 prison movie na certified blockbuster at in-adapt din sa India at Turkey, kaya may captured audience na agad ito.

Bukod doon ay sa Pasko ito ipapalabas bilang parte ng MMFF kaya mas may chance ito sa box-office.

Sa tindi ng trapik ay hindi namin nagawang maglagare mula sa press preview ng “Mindanao” sa Podium papunta sa preview ng “Miracle…” sa Fisher Mall, pero ayon sa mga nakapanood nito ay mukhang lalaban ito sa takilya sa Kapaskuhan.

This early ay sinasabing sure winner na si Aga sa pagka-Best Actor.

‘Yung karakter niya rito na si Joselito ay iba sa autistic o psychotic, kaya raw nagawa nitong magpalaki ng anak at magmahal nang totoo sa anak. Slow ito as a person, pero ‘yung EQ nito ay mataas.

Huling gumanap si Aga na may mental condition sa “Nag-iisang Bituin” with Vilma Santos nu’ng 1994.

Inamin ng 50-anyos na aktor na nindi niya alam kung paano gagawin ang karakter niyang si Joselito.

Sobrang stress at anxiety raw ang naramdaman niya before the shoot. Ang ‘balls’ niya raw hindi lang nasa lalamunan niya kundi lumampas pa, nasa noo na niya.

Inamin niya rin kay Direk Nuel Naval na hindi niya alam kung paano ito ipo-portray, pero nagawa niya rin organically, one shot at a time.

Ani Aga, ‘pag cut ni direk, feeling niya ay palaging mali ang ginagawa niya kaya depressed daw siya. Na-retake daw ang mga eksena niya nu’ng una, pero pagtagal ay kinaya na niya at hindi na siya tine-take 2 ni direk.

Nu’ng presscon ay nagpramis si Aga na magpapa-party siya ‘pag nag-Best Actor siya sa MMFF awards night. Looking forward na ang press sa pangako ni Aga dahil mukhang in the bag na ang tropeo niya.

PAK!!