Abante Tonite Interactive

‘Napasubo’ si poging balibolista

By
5,433

Akala ng kanyang mga kapwa atleta ay napasubo sa sobrang ensayo at napagod nang husto si player.

Namasahe, nakaligo at nakapagbihis na halos ang lahat pagkatapos ng ensayo pero nagtaka ang ibang miyembro ng koponan dahil hindi pa rin lumalabas si player sa kanilang dugout.

Pinakahuling nag-shower si player at nagpamasahe ng katawan kaya inakala ng kanyang mga kasamahan na lubha itong napagod, uuwi agad, at hindi na matatagalan sa loob ng kanilang dugout.

Gayunman, dahil sa sobrang katagalan sa kanilang paghihintay ay bumalik ang isa sa dugout para tingnan ang kanilang hinihintay na kakampi.

Laking gulat na lamang ni player na makitang ‘napasubo’ pala ang kanyang kapwa player.

‘Magandang-maganda’ pa naman kapag nagla­laro si player. May letrang ‘D’ sa kanyang buong pa­ngalan, ‘D’ as in dakila siyang player.