Abante Tonite Interactive

Napatay ko ang lolo ko (2)

568

Dear Dra. Holmes: (shortened version of March 30 letter)

My grandfather died because of me. It was traumatic and tragic. It’s been four years; I’m still here. Still stuck with the fact that yep, I killed him. Unintentionally but still irresponsibly.Since then, I tried kil­ling myself many times. I’m still blaming myself. Please help me. Janine
Dear Janine:

Maraming salamat sa sulat mo at nakikiramayako sa iyo. Nakikiramay hindi dahil napatay mo ang Lolo mo pero dahil mahal mo ang lolo mo at nawala siya sa iyo. Mahirap sabihin kung ikaw ta­laga ang nakapatay sa kaniya dahil sinabi mo na malapit na siyang mamatay nang dinal siya sa ospital. Sa kuwento mo, tila ang kuya mo lang ang nag-akusa sa’yo na pinatay mo siya at palagay ko hindi siya manggagamot kaya ang basehan ng kanyang bigay-sala tungkol sa’yong kamalian (kuno) ay malabo.

Related Posts

Dahil sa pagkakabig­la sa nangyari, ang trahedya, at ang ugali ng kahit sinuman na mambintang kapag may nangya­ring masama at tayo ang huling may pana­nagutan sa kanya.

Pero hindi lang ikaw ang tinuring may pana­nagutan sa kanya para sa gabing iyon, ang pinsan mo na kasama mo habang inaalagaan mo siya at yulad mo ay may pananagutan pero wala akong narinig na pinagbibinta­ngan siya. Kahit na, siguro kung maging mas “estrikto” tayo mas may basehan na pagbintangan ang na­tutulog habang sinasamahan ang kanyang lolo kaysa sa isang apo na ginagawa ang lahat ang kaya niya (kahit na pagod) para sigu­raduhin na ang apparatus ay gumagana.

Pero nakakasigurado ako na pagkatapos ng apat na taon, narinig mo na ang mga sinulat ko sa iyo. Malamang marami pang mas malalim nakonsepto tungkol sa katawan, kamatayan at sino ang may responsi­bilidad para rito. TO BE CONTINUED…