Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Napatitig sa `ex’ inararo ng saksak

0 49

Nasawi ang isang helper matapos araruhin ng saksak ng kanyang `ex’ o dating kaalitan nang mag-krus ang kanilang landas kamakalawa sa Tondo, Maynila.

Hindi na naisalba sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center si Ronnie Alcoriza, 50, ng Tondo, Maynila.

Ayon kay PSMS Jansen Rey San Pedro, ng Manila Police District-homicide section, alas-2:05 ng hapon nang magkasalubong ang biktima at ka-lugar na suspek na si Gerald Garcia.

SM food to go Banner Ad

Nang magtama ang paningin ay kaagad na inararo ng saksak ng suspek ng ang biktima na ikinasawi nito.

Patuloy na pinaghahanap ng pulisya ang suspek para papanagutin sa krimen. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.