Abante Tonite Interactive

Napatrobol sa paragliding

0 224

Hi po sa lahat.
Here comes a story about a female neighbor na sobra kung magparinig sa mga kapitbahay namin. Kapag galit siya, hindi nya kinukompronta yung tao at bagkus ay paparinggan lang nya kapag daraan sa kalye.

Halimbawa, nagkakalat ang mga kapitbahay namin, magwawalis siya at habang naglilinis nga sa daan ay talagang parang hihintayin nyang dumaan yung kinaiinisan nya at magsasalita nga ng kung anu-ano.

Minsan naman ay mga tsimosa naman samin ang paparinggan nya. Wala na raw ginawa sa buhay kundi ang magdadakdak sa daan. Bakit daw kasi hindi sila pumasok sa kani-kanilang pamamahay at doon magtsismisan. Kahit mga lalakeng tambay dito ay hindi rin nakakaligtas sa kanya para paringgan.

Magbanat daw sana ng mga buto para maging produktibo sa buhay at hindi sinasayang ang oras sa pagtambay-tambay lang na walang napapala.

Parang wala na ngang pinapalampas na tao itong neighbor kong ito at lahat na lang yata kinaiinisan nya. Sa bagay, may pagkukulang din naman talaga ang iba sa mga ginagawa nila dito sa looban namin.

Kaya lang, mahirap nang basta magparinig ka na obvious naman kung sino ang mga pinatatamaan mo. Kaya dahil don, hindi na nakatiis ang ilang target nyang paringgan at bigla na lang dinaklot ang buhok nya isang araw. Ayun nagkabarangayan na!
Krisha of Pampanga