Abante Tonite Interactive

NAPC, nag-apologize kina Agot at VP Leni

By
7
Agot Isidro
Agot Isidro

NANAHIMIK si Agot Isidro matapos maging viral ‘yung Facebook post niya kamakailan kung saan tinawag niyang ‘psychopath’ si Pangulong Rod­rigo Duterte.

Kahapon ay may pinost na quote si Agot sa Instagram na mula sa kilalang poet na si Robert Frost.

Abante Hiring – IT dep

“Never be bullied into silence. Never allow yourself to be made a victim. Accept no one’s definition of your life; define yourself,” ang sabi sa quote na pinost ni Agot sa IG.

Kahit may mga namba-bash at nagsasabi ng kung anu-anong masasakit na salita laban kay Agot, marami rin ang sumusuporta sa kanya at nagpapahiwatig ng pagsang-ayon.

***

Maraming taga-showbiz ang agree sa mga pinahayag ni Agot patungkol kay Presidente Digong.

Ilan sa kanila ay ha­yagan ang pagtatanggol at pagsuporta sa Kapa­milya actress, pero tila mas marami ‘yung quiet supporters lang.

Kadalasan, mas pinipiling magpaka-safe at maging quiet na lang ng ibang celebrities kesa ibulalas sa social media ang kanilang totoong saloobin at nararamdaman.

Kaya bilib sila sa mga katulad ni Agot na may lakas ng loob at tapang na ihayag ang pagkadisgusto nito sa kasalulu­yang namumuno ng bansa.

Isa si Cherry Pie Picache sa mga nagpahayag ng suporta kay Agot at nagsabing, “I’m one with her (Agot). We’re artists, we’re in arts and culture, but we have our own minds, conviction and principles.”

***

Sa social media, may ilang showbiz supporters si Agot na ipinu-post ang picture ng aktres na may hashtag na #SUPPORTAGOT.

Ine-encourage nila ang netizens na gamitin ang nasabing pic bilang profile photo o display pic para ipakita ang suporta kay Agot.

Kabilang sa mga pa-hashtag ang #ImWithAgot #WeAreWithAgot #WeSupportAgot #IStandWithAgot #ImWithHer at #NoToOnlineBashing.

***

Ang National Anti-Poverty Commission ay nag-apologize kina Vice President Leni Robredo at Agot kaugnay ng ‘certain distasteful statements’ na na-post sa Facebook page nito.

Hindi raw ‘yon nagre-ref­lect sa views at values ng NAPC, kaya kasalukuyan nila itong iniimbestigahan internally.

Sa pahayag ni Pangulong Digong nu’ng Martes ay sinabi nitong bahagi ng demokrasya ang free speech kaya malaya raw ang lahat na maghayag ng kanilang opinyon, at kasama na roon si Agot Isidro.