Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Napeke sa online shopping

0 289

Dahil sa banta ng COVID-19 transmission, mas naging patok ngayon ang online shopping. Imbes mamili sa mga mall, sa mga online shopping app na naghahanap ng items ang netizens.

Lalo pa itong tinangkilik ng mga consumer dahil sa mga promo at discounts na inaalok ng mga app na ito habang papalapit ang Pasko. Kaya naman talagang naengganyo ang marami. Pati ako, nahumaling din sa pamimili online.

Hindi ko pinalampas ang 9.9 sale. Mainit sa mga mata ang iba’t ibang produkto. No choice, mapapa-add to cart ka talaga!

Sa totoo lang, very convenient at less hassle sa mga consumer. Isang click lang, makakapamili ka na ng gusto mong item. May choice ka pa sa mode of payment. Puwede ka nang magbayad instantly as you order via debit or credit card. Maaari rin namang cash on delivery.

Pero may bad side din ang pamimili online. Kung mga isinusuot ang bibilhin mo gaya ng shirt o sapatos, mahirap tantiyahin kung kakasya sa’yo o hindi. Suwerte kung fit. Kung maluwag o masikip man, sayang lang ang pera.

Hindi lang ‘yan. Nito lang nakaraang linggo, nabiktima ako ng maling produkto. Relo ang binili ko. Excited pa naman akong buksan ang item. Siyempre sinanitize ko muna ang packaging bago ko i-unbox. Laking gulat ko nang pagbukas ko ng balot, feminine wash ang bumungad sa akin.

Sabi ng rider na nagdala ng item, makipag-uganayan ako sa seller para mapalitan ang produkto. Hassle ‘yun para sa gaya kong consumer. Hinayaan ko na lang. Inisip ko na lang na baka pagod din ang seller kaya nagkamali siya ng lagay ng item. Pero nakakapikon. Para hindi masayang, ibinigay ko na lang sa relative ang maling produkto.

‘Yon ang downside ng online shopping. Hindi nakikita personally ang produkto na gusto mong bilhin. Kaya kung minsan napepeke ka.

Ang sa akin lang, wala pa ring makapapantay sa pagsho-shopping sa mga mall dahil marami kang choices at nahahawakan mo mismo ang mga produkto na nagugustuhan mo. Pero doble ingat tayo kung mamimili sa mga mall. Sundin ang umiiral na health protocols. Mahirap namang malagay sa alanganin ang kalusugan natin nang dahil lang sa pagsho-shopping.

Hindi pa tapos ang laban sa COVID-19, lagi pa ring mag-ingat!

Leave A Reply

Your email address will not be published.