Abante Tonite Interactive

Napoles pahiya sa hirit

By
0 187

Pinanindigan ng Sandiganbayan First Division ang naunang utos para ilipat si Janet Lim Napoles sa Correctional Ins­titution for Women (CIW) sa Mandalu­yong City.

Ibinasura ng korte ang urgent motion for reconsideration na ini­hain ng kampo ni Napoles na humihi­ling na hayaan na lamang siyang nakakulong sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Si Napoles ay napatunayang guilty sa kasong plunder at hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo dahil sa pork barrel scam.

Sa kanyang apela noong Disyembre 28, sinabi ni Napoles na depektibo ang mittimus o ang transfer order ng korte dahil kinilala doon si Associate Justice Edgardo Caldona bilang chairman ng dibisyon gayung dapat ay si Justice Efren dela Cruz.

Pero ayon kay dela Cruz, walang problema sa mittimus dahil mayroong mga internal rule ang korte na kung wala ang chairman ay maaa­ring pumirma ng order ang mga junior member.

Ayaw mag­palipat ni Napoles sa CIW dahil mayroon umanong banta sa kanyang buhay doon, bagay na hindi nakitaan ng merito ng korte.