Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Napolis habol ju-jitsu bronze

0 165

Kinapos si Jenna Kaila Napolis na makatapak sa gold-silver medal match nang alatin sa Round 3 kontra Molder Mekenbeyeva ng Kazakshtan sa women’s -52kg category ng 2021 Ju-Jitsu World Championships sa Ju-Jitsu Arena sa Abu Dhabi, United Arab Emirates Martes.

Bagsak sa 2-1 win-loss record ang Chongju 2019 World Martial Arts Mastership Games gold winner, Philippines 2019 SEA Games silver medalist at pambato ng J, sa main pool patungo sa double elimination tree kung saan tanging bronze medal na lang ang maaring madaklot.

Unang tinalo ni Napolis si Hessa Alshamsi ng host country, 14-0, sa Round 2 pagka-bye sa Round 1. Next opponent ng Pinay fighter si Kazakhstani Aigerim Kuatkyzy.

Minalas naman agad sa unang laban si Luigi Ladera sa adult men’s -94kg division kontra Abdurakhman Bilarov ng Russia, 0-14. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.