Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Napulot na P800K alahas, sinoli

0 194

BUMILIB ang mga netizens sa isang lalaki na nagtatrabaho sa kapitolyo ng Camarines Norte sa kanyang pagiging matapat, nang ibalik niya ang nakita niyang bag na naglalaman ng P800,000 halaga ng alahas.

Bilang pasasalamat sa kanyang kabaitan, binigyan siya ng may-ari ng P20,000.

Kinilala ang matapat na empleyado na si Ener Rojo.

Kwento niya, nakita niya ang bag sa isang lotto outlet at ini-report niya agad ito sa mga awtoridad.

Nalaman na ang bag ay naglalaman ng mamahaling mga alahas na nasa P800,000 ang halaga.

Agad na nahanap ang may-ari nito na isang senior citizen.

Binigyan din ng certificate of appreciation ng pulisya si Rojo bukod sa P20,000 nito natanggap. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.