Abante Tonite Interactive

Narco cop tinambangan sa Cebu

By
245

Apat na katao kabilang ang isang pulis at basurera ang napatay sa naganap na pananambang sa ­Talisay City, Cebu kahapon.

Naganap ang insidente bandang alas-12:00 nang tanghali sa may Sitio Ranger, Barangay Pooc, Talisay City, Cebu.

Ayon pa ni P/Supt. Marlu P. Conag, officer in charge (OIC) ng Talisay City Police Station na nakatanggap sila ng tawag sa telepono sa naganap na pamamaril sa nasabing lugar.

Patay agad ang pulis na si PO3 Michael Cortes at dalawa nitong kasamahan na sakay ng isang SUV na pawang tadtad ng bala.
Patuloy pang inaalam ang pagkakilanlan ng ­dalawa pang biktima.

Samantala, nadamay sa pamamaril ang isang basurera na nakilalang si Cresenciana Rangos, 50-anyos.

Natagpuan itong wala nang buhay, may 200 metro ang layo mula sa crime scene, kung saan bitbit pa ng biktima ang dala nitong sako ng mga pinulot na basura.

Sinabing kasama sa drugs watch list ang napatay na pulis na nakadestino na ngayon sa Minda­nao matapos itong isangkot sa illegal drugs.

Napag-alamam na galing umano sa hearing sa bayan ng Barili, Cebu si Cortes bago maganap ang pananambang.