Abante Tonite Interactive

Nasa Bilibid na, preso may arrest warrant pa

511

Isang preso ng New Bilibid Prison (NBP) ang sinilbihan ng warrant of arrest dahil sa kasong kidnapping, serious illegal detention at robbery sa loob mismo ng nabanggit na bilangguan sa Muntinlupa City nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang akusadong si Samuel Aumentado alyas Sam, nasa hustong gulang, taga-5 GK Sunshine Ville, Carnival St., BFRV, Barangay Talon 2, Las Piñas City.

Sa report ng Southern Police District (SPD), alas-­kuwatro ng hapon nang isilbi ng mga kagawad ng Las Piñas City Police ang warrant of ­arrest sa nabanggit na akusado habang nakakulong sa Bilibid sa nasabing lungsod. (Armida Rico)