Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nasa drug watchlist, inutas sa loob ng van

0 290

Isang lalaking nasa drug watchlist ng PNP ang natagpuang patay at may tama ng bala sa ulo sa loob ng isang nakahintong van sa gilid ng highway sa Real, Quezon Martes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Darwin Gucilatar, 37, residente ng Barangay Poblacion 61, Real.

Sa report, natagpuan ang bangkay ng biktima na may dalawang tama ng bala sa ulo sa loob ng Toyota Hi Ace van na nakatigil sa gilid ng national road sa Barangay llavac, Real.

Nakapiring ito ng panyo at may nakataling cable wire sa leeg.

Narekober sa crime scene ang isang basyo ng 9mm at isang basyo ng kalibre .45.

Ayon sa pulisya ang biktima ay kabilang sa drug watch list at dati ng naaresto sa kasong illigal drugs noong August 30, 2019.

Patuloy pa ang imberstigasyon at inaalam kung may kaugnayan sa kaso nito ang motibo sa krimen at kung sino ang mga salarin. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.