Abante Tonite Interactive

Nasa drug watchlist tinodas ng riding in-tandem sa Vigan

By
6

Bangkay na bumulagta ang isang umano’y notorious na drug personality makaraang pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang riding in-tandem criminals sa Ilocos Sur, Vigan City.

Kinilala ng mga awtoridad ng Magsingal Municipal Police station, ang biktima na si Melvin Belarde, 26, single at naninirahan sa Brgy. Sta. Monica, Magsingal, Ilocos Sur.

Lumilitaw na nakatayo umano ang biktima sa harap ng isang gasoline station nang lapitan ito ng riding in-tandem na sakay ng isang motorsiklo na hindi na plakahan mabilis umanong bumunot ng baril ang suspek na nakaangkas at basta nalang pinagbabaril ang biktima bago tumakas.

Kaugnay nito lumi­litaw sa record ng pulisya na ang biktima ay kabilang umano sa drug watch list personality ng Magsingal Municipal PNP.