Abante Tonite Interactive

Nasa final investigation ng DOLE, OSHC Hustisya kay Manoy abot-tanaw na

0 335

Hindi pinalampas ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang aksidente na ikinamatay ng aktor na si Eddie Garcia. Naganap ito sa set ng teleseryeng “Rosang Agimat” nitong June 8, 2019 sa Tondo, Maynila.

Bagama’t hindi pa pinal ang naging imbestigasyon ng Occupational Safety and Health Center, malinaw sa pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mayroon umanong kapabayaang nangyari sa taping.

Aniya sa isang panayam, “There was lack of compliance with the requirement that in every activity there should be a safety officer.”

Abante Hiring – IT dep

Kung mayroon lamang safety officer nang mga oras na iyon ay maaaring buhay pa ngayon ang beteranong aktor.

Sa ngayon ay wala pang official report hinggil sa aksidente at nagtutulungan ang DOLE-NCR at ang OSHC para ma-finalize ang imbestigasyon.

Sa oras na matapos ang imbestigasyon ng DOLE-NCR ay iaakyat na ito sa regional office para magawan ng report at rekomendasyon na isusumite naman sa pinakamataas na opisyal ng DOLE.

Dahil sa pangyayari na ikinayanig ng mundo ng showbiz, mas naghigpit ang iba’t ibang television network.

Bukod pa rito ay nananawagan ang mga artista na ipasa ang “Eddie Garcia Bill” para maisaalang-alang ang kaligtasan nila sa oras ng trabaho.

Ang “Eddie Garcia Bill” ay inihain sa Kamara ni 1-Pacman Party-list Rep.

Michael Romero na nag-uutos ng mandatory medical personnel sa oras ng trabaho. Maging ang working hours ay lilimitahan lamang sa 8 hanggang 12 oras at magbibigay rin ng insurance sa mga employee.

Ni Ronaline Avecilla