Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nasa kamay ng mga taga-NCR

0 593

Nagbabala ang Malacañang kaugnay sa posibilidad na muling ibalik ang Metro Manila sa modified enhanced community quarantine (MECQ) sakaling magpatuloy sa pagtaas ang kaso g COVID-19.

Sa pinakahuling ulat ng Department of Health ay lumobo na sa 72,269 ang nagpositibo sa COVID sa buong bansa o tumaas ng 1,594 mula sa 70,764 nitong Miyerkoles, Hulyo 21.

Habang pumalo naman sa 39,219 na ang positibo sa Metro Manila nadagdagan ng 971 mula sa 1,464 kaso noong Hulyo 21.

Ang bilang na ito ang posibleng tinitingnan ng Malacanang sa deklasyong paglipat sa MECQ ng Metro Manila.

Alam nating mahirap para sa ekonomiya pero kailangang sumugal ng gobyerno ang buhay o kabuhayan.

Mahirap mamili dahil pareho itong kailangan ng bawat mamamayang Filipino kaya anuman ang maging desisyon ng gobyerno at ng IATF ay maging makatwiran sana at suportahan ng bawat isa dahil para rin naman sa kabutihan nating lahat ito.

Ilipat man sa MECQ o GCQ ang Metro Manila nakasalalay ito sa mga kamay ng mga mamamayan ng rehiyon.

Ang Metro Manila ay nasa general community quarantine hanggang sa July 31 kaya’t halos isang linggo na lamang ang natitira bago ibaba ang hatol.

Gayunman ang pinakamimithi nating lahat ay bumaba na ang kaso upang manumbalik na sa normal ang ating buhay.

***

Speaking of quarantine hindi pa rin ako maka-move on sa isang insidente sa quarters ng Fort Bonifacio sa Taguig City na kinasangkutan ng pinuno ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at mga tauhan nito.

Nalagay na naman sa eskandalo ang nasabing police unit matapos na akusahang nang-harass sa mga anak ng isang retiradong pulis na iligal umanong umuukupa sa isang quarters na pag-aari ng NCRPO.

Kitang-kita sa video ang mga pangyayari kung saan ay ipinakita ng ilang tauhan ng PNP na kanilang pagka-astig. Kahit sinong nakapanood ng video ay matatakot na lumapit sa mga pulis na ganun umasta.

Ipagpalagay na nating iligal ang nakatirang pamilya ng retiradong pulis. Tama bang magpakita ng ganun karaming puwersa? Tama bang manligalig sa tahanan kung saan ay mayroong PWD at mga kabataan lamang ang naroon?

Wala akong makitang tama sa inasta ng grupo ni NCRPO Chief Debold Sinas kundi pagpapakita na sila ang nasa poder.

Nakakalungkot lang na hanggang ngayon ay saludo pa rin sa kanyang pamumuno ang PNP gayung hayagan na ang kanyang mga kapalpakan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.