Abante Tonite Interactive

Nasa key of ‘F’ ang ugong ng lumilipad na langaw

210

Alam n’yo bang ang hum ng isang lumilipad na langaw ay nasa key of ‘F’.

Ang langaw ay nabubuhay lamang sa loob ng labing-lima hanggang tatlumpung araw, depende sa temperaturang kanilang pinamumugaran. Mas tumatagal ang buhay ng insektong ito kung medyo mainit ang lugar.

Mabilis dumami ang mga langaw at kilala silang carrier ng mahigit sa 100 sakit, kabilang na dito ang tuberculosis at cholera.

Mas mabuting puksain kaagad ang mga pesteng insektong ito para ‘di malagay sa peligro ang buhay ng ating mga mahal sa buhay.

***

Ang ostrich ang itinuturing na pinakamalaking uri ng ibon. Posible silang tumimbang ng hanggang 300 lbs. at tumaas hanggang walong talampakan, subalit kalahati ng tangkad nito ay nasa leeg.

‘Camel bird’ ang madalas na tawag sa kanila dahil sa mahabang sukat ng leeg at animo’y parang kubang paglalakad. Katangian ng ostrich ang mabuhay nang matagal kahit walang tubig.

Karaniwang walang balahibo ang leeg at hita ng isang ostrich, malalaki ang mga mata na may mahahabang itim na pilik-mata. ‘Di katulad ng ibang ibon, dalawa lang ang daliri sa paa ng ostrich na ‘di magkapantay ang sukat.

Gustung-gusto ng ibang mga hayop na kasama sa kapatagan ang mga ostrich, alam n’yo ba kung bakit? Dahil sa taas nito ay agad nilang nakikita kapag may paparating na panganib kahit ilang milya ang layo. Kapag tumakbo papalayo ang ostrich, nalalaman nilang panahon na para maghanap ng ligtas na lugar.

Alam n’yo bang mas mabilis tumakbo ang ostrich kumpara sa kabayo?

Tonite – Wendys Inhouse Ad