Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nasa sigla, tibay ‘yan – Victolero

0 121

Palakasan ng resistensiya at patibayan ng tuhod ang 12 teams na nasa PBA bubble sa Clark Freeport Economic Zone.

Petiks pa muna ngayon pero kapag nagsimula ang scrimmages ay tuloy-tuloy na.

“Tapos ‘yung games pa mismo na halos every other day,” lahad ni Magnolia Chito Victolero nitong Miyerkoles. “Kaya sigurado ‘pag ganyan na wala halos pahinga, it would be a matter of patibayan, palaliman na lang ‘to.”

Pagdating sa bubble ay test agad ang players at team personnel, pagkatapos ay obligadong mag-isolation ng dalawang araw sa kani-kanilang kuwarto sa Quest Hotel.

“At least we can go outside, jogging or swimming. Mayroon silang swimming pool, may oval. Mayroong area kung hanggang saan kami p’wede lumabas. ‘Yun nga lang, we have to wait for the results,” dagdag ng 44-year-old, 2018 Governors’ Cup champion tactician.

Araw-araw ang laro, double-header bawat gabi, sa AUF gym.

“Ang problema lang kasi dito, medyo tight ‘yung schedule so advantage ‘yung team na can stay healthy, walang ma-i-injure. ‘Yun ‘yung malaki tsansang mag-champion. Ang tingin ko kasi d’yan, meron kaming week na tatlo laro, merong week na dalawang lang kami.”

Maliban kina PJ Simon na nagpasyang mag-retire na at Marc Pingris na injured, kumpleto sa bubble ang Hotshots sa pangunguna nina Paul Lee, Mark Barroca, Jio Jalalo, Ian Sangalang, at Chris Banchero. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.