Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nasa tabi lang natin palagi ang Diyos!

0 563

Mahalagang mensahe ng Ebanghelyo, lalo na ngayong panahon ng pandemya na nasa tabi lang natin ang Diyos tuwina. Ito ang katotohanang binibigyang diin ng Mabuting Balita ngayong Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (Mt. 11:25-30).

Hinihimok ng Panginoon ang lahat sa pagpapakumbaba: “Pinupuri kita Amang Panginoon ng Langit at lupa, sapagkat itinago mo ang mga bagay na ito sa matatalino at marurunong, at ipinamulat mo naman sa mga karaniwang tao.” (b.25)

Binigyang papuri ni Hesus hindi lamang ang Ama kundi ang mga “paborito” Nitong anak- ang mga mapagpakubaba at payak! Sa mga mahinhin isinisiwalat ng Panginoon ang Kanyang sarili. Sa mga dukha ibinubulong ng Diyos ang kanyang mga sikreto.

Bukas ang puso ng Poon sa lahat ng Kanyang nilalang, lalo na sa mga simple at busilak ang kaloloban. Hindi lamang ang mga matatalino at sikat ang may kakayahang makilala nang lubusan ang Diyos kundi mas higit ang mga maliliit at mababa.

Sa totoo, walang sinuman ang makapagmamalaki sa harap ng Diyos! Lahat ng kung ano at kung anong mayroon tayo ay galing sa Kanya. Tunay na dakika samakatuwid ang mga nabubuhay at nagsasabing wala silang inaasahan kundi ang kabutihang loob ng Poon.

Sa Ebanghelyo, inaanyayahan ni Hesus ang lahat na lumapit sa Kanya, upang makinabang sa Kanyang malapit na pakikipag-ugnayan sa Ama. Iniimbitahan ng Panginoon ang tanan, gaano man kahirap at anuman ang nagawang kasalanan.

Nawa alisin natin ang takot lumapit sa Panginoon lalo na sa panahon ngayon ng higit na pangangailangan, kawalan ng direksiyon, kahinaan at pangangapa. Nasa piling pa rin natin ang Diyos kahit sa krisis. Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa.

Narito sa wakas ang payo ng Simbahan: “Come to Jesus, no matter how poor or lowly you are. If you do not find God, it is not because he is unreachable but because you do not respond to his invitation. Yet there is always a place in his heart for you.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.