Abante Tonite Interactive

Nasaan ka, itay?

By
673

Ipagdiriwang na bukas ang Father’s Day!

Ang ‘Araw ng mga Ama’ ay isang espesyal na paggunita sa bawat la­laking nagbigay-buhay sa kanilang anak katuwang ang kanyang kabiyak.

Tuwing ipinagdiriwang ito’y puro para­ngal ang tinatamasa ng mga amang hindi matatawaran ang kalinga, suporta at proteksiyong ipinalasap sa kanyang pa­milya.

Abante Hiring – IT dep

Pero sa kabila ng mga papuring ito’y may mga ama pa ring sinasabing nagpabaya na nauwi sa pagkawasak ng pamilya.

May mga naging marahas at nanakit, nalulong sa bisyo, naging marupok-natukso, tu­malikod sa kanilang pa­milya, may mga naduwag, nag-suicide at tuluyang nang-abandona.

Sa mga amang gusto pang mabuo uli ang pamilya at may pagkakataon pang humingi ng tawad at magbalik-loob ay gawin na.

Ipamalas ang pagiging ama ng tahanan, haligi o padre-de pamilya kaakibat ang pagsasakripisyo. Malaki at napakahalaga ng maiaambag ng isang ama sa isang huwarang pamilya.

Tandaan na ang kahalagahan ng isang pamilya ay singhalaga na rin ng ating buhay.

Silbing takbuhan, sandalan at maasahan anuman ang tinatamasang problema.

Ang pagiging mabuting ama ay mahalaga hindi lamang sa pisikal at emosyonal na kapakanan ng mga anak kundi pati na rin sa kanilang buhay-espirituwal.

Hangga’t nandyan sila’y iparamdam at ipakita sa kanila kung gaano sila kahalaga.