Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nasaan sina Ninong at Ninang?

0 128

TNT ba kayo tuwing Pasko o ‘yung tago ng tago sa mga inaanak?

Sa totoo lang, hindi kailangang magtago. Hindi naman responsibilidad ng mga ninong at ninang na mag-abot ng aguinaldo sa mga inaanak.

Ayon sa sociologist na si Bro. Clifford Sorita, hindi Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga ninong at ninang. Gabay sila para mas mapalakas at mapatatag ang pananampalataya ng mga bata.

Kailangang lumaki silang may takot sa Diyos. ‘Yan ang pinakamahalagang regalo na puwedeng matanggap ng isang inaanak kina Ninong at Ninang.

Bonus na lang kung may iaabot silang aguinaldo. Kung pera man ‘yan o regalo, huwag sumama ang loob. Ang importante, naalala kayo.

SM food to go Banner Ad

Matutong magpasalamat, dahil ang tinay na diwa ng pasko – pagbibigayan.

Pero kung si Pangulong Rodrigo Duterte ang tatanungin, ipagpaliban na muna ang pamamasko ngayong taon. Hindi pa rin kasi tapos ang banta ng pandemya. Bilin ng pangulo sa mga bata, sa susunod na taon na mamasko para masiguro ang kaligtasan at kalusugan.

Isa pa, marami sa atin ang naapektuhan ng COVID-19 pandemic gaya ng mga nawalan ng trabaho, nagkasakit o worst, may mga namatayan. Kaya kailangan nating mag-unawaan ngayong panahon ng Pasko.

Kung hindi talaga maiiwasan at nakaugalian nang magbigay ng regalo, puwede naman ang virtual gift. Makuntento muna sa mga emoticon at emoji na puwedeng ibigay sa mga inaanak. Maraming mapagpipilian sa mga mobile app.

Kung may extra money ang mga ninong at ninang sa kanilang mobile wallet, puwede rin namang via financial technology gaya ng gcash at pay maya ang pamimigay ng aguinaldo.

Ang sa akin lang, hindi naman mahalaga ang materyal na regalo nina ninong at ninang. Ang importante, manatili tayong malusog at malakas sa pagsisimula ng bagong taon. ‘Yun pa lang, napakalaking aguinaldo na.

Leave A Reply

Your email address will not be published.