Abante Tonite Interactive

Nasabat na botcha ipinakain sa Manila Zoo

499

Sa halip na itapon, ipinakain ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa mga hayop sa Manila Zoo ang 400 kilo ng double-dead na karne na nakumpiska sa palengke ng Paco noong Miyerkoles nang gabi.

Inatasan ni Domagoso ang Manila Veterinary Inspection Board (VIB) na dalhin sa Manila Zoo ang mga nakumpiskang karne para maging pagkain ng mga nakakulong na hayop.

Nagsagawa ng ocular inspection si Domagoso sa pasilidad kahapon ng tanghali para personal na makita ang kalagayan ng pasilidad at mga hayop na namamahay dito.

Aniya, ipaaayos niya ang Manila Zoo para sa mga Manilenyo at mga mag-aaral ng lungsod. (Mia Billones/Juliet de Loza-Cudia)