Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nasabat na laptop, cellphone ido-donate sa DepEd

0 287

Ipamamahagi ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) sa Department of Eduacation (DepEd) ang mga nakumpiska at inabandonang electronic device at iba pang educational material para magamit sa distance learning.

Ayon kay NAIA Customs district collector Mimel Talusan, ang mga nakkolektang gadget ay kinabibilangan ng 228 pirasong cellphone, 74 unit ng big screen LED monitor, 5 pirasong multi-function Xerox/printer, 13 pirasong laptop, 665 pirasong ng flash drive, 14 pirasong ng pocket WiFi router at mahigit sa 600 school bag at mga sapatos na dumating sa bansa na walang kaukulang import permit.

Sinabi ni Talusan na ang ido-donate na kagamitan ay pumasa sa minimum standard at may kaukulang clearance mula sa National Telecommunication Commission (NTC) at ng Optical Media Board. (Otto Osorio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.