Abante Tonite Interactive

Nasal spray para sa taong mahilig sa hugot, mabibili na

By
0 229

Good news para sa mga taong mahilig sa hugot, may mga pinagdadaan o dumaranas ng matinding depresyon.

Ito ay dahil sa makakabili na ‘over the counter’ ng nasal spray o gamot na mabilis na makakapagpahupa ng depression.

Ang nasabing hakbang ay matapos na ring payagan sa merkado kamakailan ng Food and Drug Administration o FDA sa Amerika ang makabagong medikasyon na drug esketamine (Spravato) na gawa ng Johnson & Johnson company Janssen Pharmaceuticals Incorporation.

Ang drug esketamine o Spravato, ayon na rin sa kompanya ay isang anti-deppresant o makabagong gamot para sa hard-to-treat depression.

Bago inaprubahan ng FDA ang anti-depressant ay dumaan muna ito sa tatlong maikling randomized clinical trials. Lumitaw sa resulta na aabot ng 2-araw ang bisa nito. Para naman sa regular na gagamit nito’y nakitaang tatagal ang epekto nito.

Malaking tulong anila ang nasabing nasal spray para makontrol ang paglobo ng bilang ng mga kaso ng depresyon sa buong mundo kung saan ito umano ang kauna-unahang naimbento na pinakamabilis na paraan upang malabanan ang tangkang pagpapatiwakal ng isang tao.

Samantala, tiniyak naman ng federal agency na hihigpitan nila ang paglabas ng nasal spray kung saan kailangan muna anila ng preskripsiyon o reseta ng doktor bago ito mabili bago hindi maabuso.