Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nasapak ng bagong gising tigok

0 118

Nasawi ang isang estudyante matapos na hindi sinasadyang masuntok ito sa lalamunan ng kanyang kaklase sa beach resort sa Guinayangan, Quezon Miyerkules ng umaga.

Hindi na umabot ng buhay sa hospital ang biktimang si Alfred Deocalos 17-anyos, estudyante ng Guinayangan Senior High School nang hindi ito makahinga dahil sa pinsala sa lalamunan.

Naaresto ng pulisya ang suspek na si Warren De Guzman, 19 anyos, na kaklase ng biktima at kinasuhan ng murder.

Ayon kay PMAJ Eric Veluz hepe ng Guinayangan police, bilang selebrasyon ng graduation ay , halos magdamag na nag-inuman ang 14 magkakalase nitong Martes ng gabi Montecalvo Beach Rersort na nasa Barangay Dancalan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Subalit nang paalis na ang grupo ng alas 6:00 ng umaga, ginigising ng biktima ang nalasing at natutulog pang suspek sa isang cottage nang naalimpungatan ang suspek at sinuntok ng isang beses ang biktima at saka muling natulog.

Nakita na lamang ng mga kaklase na namutla ang biktima at biglang hinimatay.

Agad itong isinugod sa ospital subalit hindi na ito umabot ng buhay. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.