Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nasawi sa habagat 5 na

0 74

Umakyat sa lima ang bilang ng mga namatay nang dahil sa hanging habagat, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Sa update mula sa NDRRMC, kinilala ang pinakabagong naidagdag sa listahan ng mga nasawi na isang 18-anyos na lalaki mula Ibaan, Batangas na nalunod.

Ang 39-anyos na babae mula sa Camp 8, Kennon Road sa Baguio City ay namatay noong Hulyo 23 sa aksidente kaugnay sa nalaglag na puno, habang may tatlo pang pumanaw na bineberipika ng konseho.

Samantala, nadagdagan ng tatlo kaya kabuuang anim na ang sugatan sa masamang panahon, kabilang ang 63-anyos na lalaki at 29-anyos na lalaki noong Hulyo 23.

Sa Baguio City din nasugatan ang isang lalaki, 29, na nahulugan ng bahagi ng puno.

Kabilang sa mga lugar na patuloy na naaapektuhan ng habagat ang Central Luzon, Mimaropa, at National Capital Region, ayon sa NDRRMC. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.