Abante Tonite Interactive

Nasecore pinasisibak si NEA admin Masongsong

314

Nananawagan ang National Association of Electricity Consumers for Reforms Inc. (Na­secore) na sibakin si National Electrification Administration (NEA) administrator Edgardo Masongsong dahil sa ‘grave abuse of authority’ nang tinaas nito ang mga suweldo ng mga general manager ng electric cooperative kahit pa na­nganganib na mabangkarote ito.

Ang Nasecore ang dumulog sa Korte Suprema noon kaya pinag-refund ang Meralco ng P30 bilyon sa mga consumer.

Sumulat ang Na­secore kay Energy Secretary Alfonso Cusi noong Pebrero 10, 2020 na hinihiniling ang kaagad na pagsibak kay Masongsong dahil sa pag-isyu nito ng Memorandum No. 2018-003 at ng Memorandum No. 2019-008 nang walang awtorisasyon mula sa NEA Board of Adminstrators. (Eileen Mencias)