Abante Tonite Interactive

Nasindak sa babaeng unat

285

Mga ka-Misteryo bigla ba kayong nagising sa hatinggabi at natakot kayo may nakatayo sa ulunan ninyo sa dis-oras ng gabi? Ano ang gagawin ninyo? Matatakot ba kayo?

‘Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”
Napagod sa mag­hapong trabaho si Neil ng Cainta at mabilis siyang dinalaw ng antok pag-uwi sa bahay.

Kaya’t mabilis siyang nahimbing sa pagkakatulog nang biglang may matining na tunog siyang narinig na nanuot sa kanyang tenga.

Nagising siya at nasindak sa matinding liwanag na nagmula sa taas lagpas sa bubong ng kanyang bahay. Biglang litaw ang isang babae na may kakaibang hitsura – unat ang katawan na matangkad, maliit ang ulo na may malalaking mata.

Bigla siyang nakarinig ng boses na nagpasakit sa kanyang ulo pero kalaunan ay unti-unting humupa. Inusisa ng Misteryo ang karanasang ‘yun ni Neil.
Misteryo: “Anong reaksyon mo nang makita ang babaeng unat?”

Neil: “Natakot ako halos maihi ako sa aking pantalon, hindi na nga ako nakapagpalit sa sobrang pagod at antok ko.

Misteryo: “Ano ang sabi sa’yo ng babae? Saan ba siya galing?”

Neil: “Noong una hindi ko maintindihan ang sinasabi at masakit talaga ang ulo ko parang pinipiga pero maaaring nakapag-adjust nako narinig ko ng malinaw ang sabi niya. Galing daw siya sa bilog na sasakyan at lumitaw siya para tulungan ako.”

Misteryo: “Tulungan ka? May problema ka ba nu’n? O baka naman ‘yung tulong na sinasabi niya gagabayan ka. Pihado ko ekstra-terestriyal ‘yun at galing sa ibang dimens­yon o universe.”

Neil: “Wala naman ako problema baka sa trabaho may konti pero kaya ko naman ‘yun. Tama ka baka gusto lang akong ga­wing kontak nila kaya mula noon nakakausap ko na sila sa isip.”

Samakatuwid, mukhang hindi naman pala dapat ikatakot ang mga ET kung ganu’n pero may ibang species na iba ang tunay na agenda sa lahi ng tao.

Para sa mga kuwento ninyong kababalaghan, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.