Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nasindak sa Gumagapang na Anino

0 259

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo nasubok niyo na bang maghamon na pakitaan ng multo? Ganito ang ginawa ni Elmer ng Marikina na nagsabing natakot siya nang pakitaan siya ng gumagapang na anino.?

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Kabilugan noon ng buwan nang maisip ni Elmer na lumabas saglit sa kanilang bahay para masinagan ng buwan. Pero may naisip din siyang gawin habang nasa labas ng kanilang bahay…naghamon siya na pakitaan siya ng multo.

Misteryo: “Ok din ang trip mo brod at mismong mga multo pa ang hinamon mo. Ano ang nangyari?”

Elmer: “May pumatos sa hamon ko. Ganito kasi ang sinabi ko: Sinumang multo na nasa paligid, magpakita kayo sa akin kasi maliwanag ang buwan gusto ko kayo makita.”

Misteryo: “Sino ang pumatos sayo? Ano hitsura niya?”

Elmer: “Anino…anino yung nakita ko. Nakita ko siya sa di kalayuan sa dingding ng katabing bahay namin at gumagapang siya sa dingding papalapit sa akin.”

Misteryo: “Ano ang ginawa mo nang makita mo yung gumagapang na anino palapit sayo? Natakot ka?”

Elmer: “Hindi lang takot kundi sindak ang naramdaman ko hindi ako halos makakilos kasi noon lang ako nakakita ng ganun. Nakakatakot pala pag hindi sanay makakita ng multo.”

Misteryo: “Sinabi mo pa ako nga kahit sanay na may time takot din pero karaniwan nagugulat kapag bigla silang nagpapakita. Ulitin ko lang tanong ko Ano ang ginawa mo nang makita mo yung aninong gumagapang?”

Elmer: “Ilang seconds din ako na hindi makakilos, bigla ko naisip na pumasok na sa bahay. Dahan-dahan yung gapang ng anino sa dingding kaya nagmamadali na akong bumalik sa bahay.”

Misteryo: “Ano nga pala hitsura ng anino? Sobrang nakakatakot ba?”

Elmer: “Anino siya maitim nasa dingding gumagapang palapit sa akin. Ang nakakakilabot sa kanya dahan-dahan na papalapit sa akin. Noong una hindi ko siya napansin kasi malayo pa pero nang malapit na siya sa akin saka ko lang napansin.”

Kayo mga ka-Misteryo kaya niyo bang gayahin ang ginawa ni Elmer? Para sa inyong mga kuwentong karanasan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph

Leave A Reply

Your email address will not be published.