Abante Tonite Interactive

Nasindak sa huni ng tiktik

371

Mga ka-Misteryo, nakarinig na ba kayo ng huni ng tiktik? Sinasabing ‘pag naka­rinig ng tiktik, palatandaan na merong gumagalang aswang sa isang lugar.

‘Yan ang ating paksa ngayon: ‘Basta may Misteryo, alamin ang totoo!’
Panggabing guwardiya sa Pasay si Rolly at obligado siyang mag-ikot sa binabantayang compound ng pinagsisilbihan niyang kompanya.

Nang magawi siya sa isang abandonadong puwesto ay nakarinig siya ng kaluskos sa paligid at kasunod niyo ang kakila-kilabot na huni ng tiktik.

Kahit sanay na sa kanyang duty sa gabi ay nasindak sa narinig si Rolly kaya’t nagmamadali siyang naglakad.

Lalong natakot si Rolly nang maaninag niya sa tama ng liwanag ng buwan sa may bubong ng puwesto na may nakayukong hugis tao at sinundan pa ito ng isa pang huni ng tiktik.

Kaya’t inusisa ng #TeamMisteryo ang karanasan ni Rolly.

Team Misteryo: “Anong ginawa mo nang marinig ang huni ng tiktik?”
Rolly: “Natakot ako kaya’t binilisan ko ang paglakad pabalik sa guard house.”

Team Misteryo: “Sabi mo hugis tao ‘yung nasa bubong, hindi ka ba sinugod nang makita mo siya?”

Rolly: “Hindi naman ako sinugod pero sobrang takot ko, noon lang ako nakakita ng ganu’n.”

Mula noon ay inaagahan na niya ang pagronda sa binabantayang compound, pero hindi niya malimutan ang karanasan niya kaya’t umiiwas na lang siya sa puwesto na nakita niya ang nakayukong lalaki na posibleng aswang.

***

Para sa inyong mga kuwentong karanasan mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsiba­yan.com at abante.com.ph.