Abante Tonite Interactive

Nasindak sa kapre na naispatan sa phone camera

357

Mga ka-#Misteryo mahilig ba kayong kumuha ng picture o video gamit ang inyong celllphone camera? Paano kung may bigla kayong makunan na engkanto o maligno, ano ang gagawin niyo?

‘Yan ang ­ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”
Bagong-bago ang nabiling cellphone ni Rudy ng Antipolo kaya’t tuwang-tuwa siya sa ganda ng mga kuha niyang mga photo at video.

Isang gabi pauwi na siya mula sa trabaho ay nabighani si Rudy sa ganda ng full moon o kabilugan ng buwan kaya’t kuha dito kuha doon ang kanyang ginawa habang nag­lalakad sa isang mapu­nong lugar patungo sa kanilang bahay.

Nakakita ng magandang anggulo si Rudy sa isang puno kung saan tumatagos ang liwanag ng buwan kaya’t kinunan niya ito ng video gamit ang kanyang cellphone. Sa kanyang pagsilip ay nakita niya ang animo’y anino ng puno na biglang gumalaw.

Ito ang inusisa sa kanya ng #TeamMisteryo.

Team Misteryo: “Ano ‘yung sinasabi mong biglang gumalaw?”

Rudy: “Oo may gunalaw habang sinisilip ko sa camera ng cellphone ko. Eh ang ganda nga ng anggulo background ay buwan at silhouette ‘yung puno na naaaninag ko lang.”

Team Misteryo: “Paanong may gumalaw? Ginulat ka ba?”

Rudy: “Yung nakita kong gumalaw ay parang kumpol ng mga dahon at sanga ng puno na parang nahipan ng hangin at biglang lumapit sa mukha ko.”

Team Misteryo: “Tinamaan ka ba? Natakot ka? Ano ginawa mo?”

Rudy: “Nagulat ako kaya tinignan ko ng direkta ng mga mata ko, wala naman pero nang silipin kong muli gamit ang cellphone camera ay kita ko ang hugis ulo ng kapre kaya’t tumakbo na ko, pinaspa­san ko hanggang makarating ako sa bahay. Nang tignan ko cellphone ko hindi ko pala nakunan ng video o photo ang anino ng kapre dahil natakot na ko pero kitang-kita ko siya habang nakasilip ako sa cellphone camera.”

Marami nang testimonya na nakikita ang mga nilalang sa kabilang dimensyon gamit­ ang cellphone came­ra at bihirang pagkakataon na nahaha­gip sila ng litrato o video­ dahil kadalasan nabubura o ‘di man kaya ay hindi talaga napipindot ang video o photo ng cellphone sa tindi ng takot.

***

Baka makatiyempo­ kayo ng photo o video­ ng mga engkanto o kakaibang nilalang gamit ang inyong cellphone camera, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.