Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nasindak sa multo sa higaan

0 119

Mga ka-Misteryo naranasan niyo na ba na sa paggising niyo ng hatinggabi ay may nakaupong multo sa tabi ng inyong higaan?

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Alas-diyes na ng gabi nang makatulog si Demi ng Maynila na dahil sa pagod sa maghapong trabaho ay madali siyang nahimbing.

Pero bigla siyang nagising ng hatinggabi nang paglingon niya sa gilid para bumangon bigla siyang nasindak nang may nakaupong multo…isang batang multo.

Yan ang inusisa ng #Misteryo kay Demi.

Misteryo: “Paano yun nangyari? Babangon ka sana nang may nakita kang nakaupo sa gilid ng kama mo Ganun ba?”

Demi: “Oo Ganun nga kaya ayun nasindak ako at hindi agad nakakilos.”

Misteryo: “Bakit ka nasindak? Nakakatakot ba hitsura ng multo?”

Demi: “Para bang yung sa movie na The Ring yung bata doon. Parang ayaw ko na bumangon pero kailangan kasi naiihi na ako.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Misteryo: “Hindi mo na lang sana pinansin. Pero no choice di ba kailangan mo mag-cr kaya bumangon ka. Paano ka bumangon at dumaan ka ba sa tabi niya?

Demi: “Ikaw na nagsabi nun, kaya wala talaga choice daan ako sa tabi niya. Kaya pagbangon ko kunwari wala ako nakikita.”

Misteryo: “May reaction ba nang dumaan ka? Nakakatakot ba hitsura? Kinalabit ka ba?”

Demi: “Wala naman siya ginawa. Pero alam ko gusto niya magpatulong kaya lumitaw siya.”

Misteryo: “Anong tulong naman hinihingi niya? Dasal ba para makaakyat siya sa langit?”

Demi: “Yes yun nga request niya at sa telepathy niya ako kinausap. Nakagawian ko ng gawin magdasal para sa mga patay kaya ganun ginawa ko.”

Misteryo: “May epekto ba? Nagbukas ba pintuan ng langit para sa kanya?”

Demi: “Yes! Nakita ko biglang nagliwanag ang paligid ng room ko at yun lumutang siya paakyat. Ang ganda panoorin pero ako lang nakakakita nun unless may ibang clairvoyant sa paligid at makikita niya din yun.”

Karaniwan pag nagpakita ang multo ay nagpapatulong makaakyat sa langit. Wag natin ipagdamot ang panalangin sa kanila. Kailangan din nila ang tulong ng mga buhay para makatawid sa kabilang buhay.

Para sa inyong kuwentong Misteryo mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.