Abante Tonite Interactive

Nasindak sa napugutang lalaki sa panaginip

534

Mga ka-Misteryo, bina­ngungot na ba kayo sa inyong pagtulog? Naka­kita na ba kayo ng masamang pangitain sa panaginip?

‘Yan ang a­ting paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin natin ang Totoo!”

Biglang lapit sa #Misteryo si Gloria ng Marikina dahil sa masamang pangitain na nakita niya sa panaginip. Ito ang dahilan kung ba­kit binangu­ngot siya at nagsisigaw habang tulog. Mabuti na lamang at agad siyang gini­sing ng kanyang live-in partner.

Hindi agad masabi ni Gloria na ang bangungot na ‘yon ay tungkol sa kanyang minamahal na partner — nakita niyang napugutan ng ulo ang lalaki habang nasa daan.

Mula nang bangungutin ay hindi na mapakali si Gloria, natatakot siyang may mangyaring masama sa kanyang minamahal kaya’t sumangguni siya sa #Misteryo.

Misteryo: “Paano mo ba nakita ‘yong pa­ngitain na ‘yon sa iyong pana­ginip? Saan nangyari ‘yong pangitain mo nang mapugutan ng ulo ang live-in partner mo?”

Gloria: “Nakita ko siya sa isang kalsada pero hindi ko alam kung saan ‘yon. Biglang nabangga ng trak at huli na ang lahat nang magulu­ngan siya at napugutan ng ulo. Sigaw ako nang sigaw at umiiyak ako hindi ko malaman gagawin ko, ang sama ng loob ko namatay siya.”

Misteryo: “Nasabi mo ba sa kanya ang panaginip mo? O kaya ay binalaan mo siya na dapat laging mag-ingat.”

Gloria: “Lagi ko naman sinasabi sa kanya na mag-ingat pero hindi ko sinabi sa kanya ang nakita ko sa panaginip baka kasi matakot din siya kasi nagba-bike lang siya pagpasok ng trabaho.”

Misteryo: “Sigu­ro dapat ngang sabihin mo sa kanya ang pana­ginip mo para gumaan ang nasa kalooban mo ‘wag mong kimkimin ‘yan, ikaw ang mahihirapan. Sabi nga ng mga matatanda, kapag daw may masamang panaginip dapat sinasabi agad para maiwasang mangyari.”

Gloria: “Plano ko na ngang sabihin sa kanya para mag-inga­t. Pero may mga panaginip bang nagkakatotoo?”

Misteryo: “Meron pero bibihira ‘yon kasi karaniwan ang panaginip ay symbolic hindi literal na nangyayari. Baka takot ka lang din na mawala siya sa buhay mo kaya ganun ang panaginip mo but better you tell him kung ano nakita mo para mag-Ingat siya.”

Baka meron kayong mga panaginip na gusto ninyong malaman ang kahulugan, puwede rin niyong ibahagi sa #Misteryo, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at www.abante.com.ph.