Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nasindak sa sanib na itim

0 507

Mga ka-Misteryo, nakakita na ba kayo ng sanib ng isang tao? Sa karanasan ni Menard ng Bulacan, isang itim na ispiritu ang lumabas sa kanyang katawan habang siya ay naka-astral.

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta May Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Sanay na sa kanyang nakikitang mga multo si Menard pero kakaiba ang kanyang nakita sa paglabas sa katawan habang siya ay natutulog at naka-astral.

Misteryo: “Aware ka ba na naka-astral ka ng gabing yun? First time mo ba mag-astral projection?”

Menard: “Sa totoo lang sayo ko lang nalaman na astral projection pala yung tawag dun, yung nasa labas ng katawan. Kasi Ilang beses ko na naranasan yun natatakot ako baka hindi na ako makabalik.”

Misteryo: “Napagkakamalan ng karamihan na panaginip lang ang astral projection kasi hindi yun nai-interpret ng utak lalu na maaari lang maranasan yun habang tulog ang katawang lupa. Paano mo nakita yung itim na ispiritu?”

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Menard: “Nakita ko sarili kong nakahiga habang ako ay nasa isang tabi. Then kitang-kita ko may itim na usok na lumabas sa katawan ko habang nakahiga. Natakot ako bakit may lumalabas sa aking katawan. Gusto ko sumigaw pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. Tapos nun. Nakita ko hugis tao yung itim na usok na lumabas sa katawan ko.”

Misteryo: “Ngayon ko lang narinig ang ganitong karanasan at pakiwari ko sanib mo yung lumabas sa katawan mo. Hindi lang natin matiyak kung anong ispiritu yun maaaring engkanto o elemento.”

Menard: “Hindi ko rin alam kung ano siya pero malinaw kong nakita itim siya na usok palabas ng katawan ko tapos umalis na siya nawala na. Then parang bigla akong nahulog sa madilim na butas at yun nagising na ako•

Misteryo: “Iniisip ko na exorcism ang nangyari sayo kasi may lumabas na sanib sa katawan mo. Marahil gawa yun ng spirit guides mo para mawala ang black spirit na yun sa katawan mo.

Menard: “Nang magising nga ako ang gaan ng pakiramdam ko at klaro ang isip ko. Para ba akong binasbasan sa simbahan.

Pambihira yung karanasan ni Menard kasi na-exorcise siya habang naka-astral projection. Para sa inyong kuwentong karanasan ng kababalaghan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.