Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nasindak sa walang mukhang ET

0 308

Ni Rey T Sibayan

Mga ka-Misteryo kakaibang karanasan ang ibinahagi sa atin ni Norma ng Kalookan nang masindak siya habang nakahiga sa kanyang silid.

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Sa sobrang pagod sa maghapong trabaho madaling nakatulog si Norma hanggang sa pagsapit ng alas-3 ng madaling araw ay bigla siyang naalimpungatan at may nakita siyang nilalang na nakalutang sa kisame.

Nasindak siya sa nakita dahil kakaiba ang hitsura ng nilalang, hindi siya makakilos sa pagkakahiga at pilit siyang sumisigaw pero walang lumalabas na boses sa kanyang bibig.

Ito ang inusisang mabuti ng #Misteryo kay Norma.

Misteryo: “Sabi mo hindi ka makakilos habang nakahiga pero gising ka na di ba?”

Norma: “Hindi talaga ako makakilos, Pinilit ko kasi takot na takot ako sa nakita ko.”

Misteryo: “Ano ba hitsura ng nakita mo? Multo ba yun? Engkanto? Elemento? O baka naman Ekstra-Terestriyal?”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Norma: “Sa tingin ko ET siya kasi matangkad siya, unat ang katawan pero dun ako natakot wala siyang mata at walang mukha.”

Misteryo: “Mukhang kakatakot nga kasi karaniwang nakikita na mga ET may malalaking mata, may munting ilong at bibig. May sinabi ba sayo?”

Norma: “Wala akong narinig na sinabi pero dahil nagpa-panic na ako, hindi ko na inintindi kung may gusto siyang sabihin sa akin.”

Misteryo: “Ano pang nangyari sa mga oras na yun? Sinaktan ka ba? O baka naman alien abduction na yung nangyari sayo hindi mo lang alam.”

Norma: “Hindi ko alam kung abduction ang nangyari sa akin pero yun ang naalala kong nangyari. Hindi niya ako sinaktan pero parang itinutulak niya ako para mahigang muli kasi nakabangon na ang kalahati ng katawan ko. Hindi ko naman maigalaw ang mga kamay ko.”

Misteryo: “Alam mo sa tono ng salaysay mo mukhang astral body mo ang bumangon hindi ang pisikal mong katawan kasi hindi mo kamo maigalaw ang kamay mo. At sumisigaw ka kamo.”

Norma: “Oo hindi ko maigalaw kamay ko. Sumisigaw ako nung una wala ako mailabas na boses hanggang sa narinig ko na sarili ko sumisigaw at nagising na ako.”

Ang karanasan ni Norma ay isang ET encounter sa astral na akala niya ay bangungot lamang pero totoong nangyari sa kabilang dimensyon habang siya ay tulog.

Para sa inyong mga kuwentong karanasan ng kababalaghan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at www.Abante.com.ph.#

Leave A Reply

Your email address will not be published.