Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nasita sa helmet, rider buking sa nakaw na motorsiklo

0 425

DAHIL sa hindi pagsusuot ng helmet, nabuking na karnap ang motorsiklong gamit ng isang mekaniko matapos maaresto sa isang checkpoint at ang nagbenta sa kanya sa Imus City, Cavite.

Kasong paglabag sa PD 1612 ang kinakaharap ng suspek na si Don Constantino, 35, ng Camella Springville Molino 3, Bacoor City Cavite. Huli rin ang nagbenta sa kanya na si Antonio Altis Jr., 35, binata ng Pasong Buaya 2, Imus City, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Mark Anthony Salvador, ng Imus City Police Station, ika-7:00 kamakalawa ng gabi nang maaresto ang mga suspek matapos parahin si Constantino dahil sa hindi nito pagsusuot ng helmet.

Imbes na tumigil ay pinaharurot ang motorsiklo subalit sinundan siya at inaresto.

Nang beripikahain, ang nasabing motorsiklo ay pag-aari ni Allan Mateo, 40, at nakaalarma matapos itong tangayin noong June 18, 2020.

Nabatid pa ang nasabing motorsiklo ay ibinenta kay Constantino ni Altis sa halagang P5,000 kaya inaresto rin ito. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.