Abante Tonite Interactive

Nastimol 3 Points, Ora Macrae, Martin Pitmaster derby host

207

May 120 entry sa “Fastest Win One-Cock Ulutan” at 100 sultada sa Pitmasters Live ngayong November 23 kaya inaasahan ang libo-libong sabungero sa fully air-conditioned Las Piñas Coliseum.

Alas-10:00 ng umaga ang Fastest Win One-Cock Ulutan kung saan tatayong mga host ang sikat na grupong Nastimol 3 Points, Ora Macrae at Martin Pitmaster.

May premyo ritong P50,000 cash at tatanggap agad ng P1,000 ang unang 15 winners.

Aabangan naman ng mga apisyonado ang dalawang entries ni Mayor Nene Aguilar na may 5-0 (panalo-talo) at isang apat na panalo na parehong pasok sa grand finals mamaya sa World Pitmasters Cup 9-Stag Derby.

Samantala, sa Dec. 18 ang Pamaskong Handog 4-Cock Derby ni coliseum manager Alex Tobias na may entry fee na P7,700 lang.

Sa iba pang mga detalye: kontakin si Grace 1 sa 873 1040 at sa 0929 1800 960, Grace 2 sa 0939 1376 455 at Julius sa 0915 3582 076. (Enjel Manato)