Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nasugatang mga sundalo sa Sulu pinarangalan

0 118

KINILALA ang ipinakitang katapangan ng ilang mga sundalo mula sa Joint Task Force Sulu sa simpleng seremonyas sa Camp Navarro General Hospital sa Calarian, Zamboanga city.

Pinangunahan ni Western Mindanao Commander Maj. Gen. Corleto Vinluan, Jr. ang pagbibigay ng parangal. Binigyan ng awards ang nasugatang sundalo na sina Corporal Jonathan Garsuta at Corporal Romel Mendoza.

Ito’y dahil sa kanilang katapangan kahit nasugatan sa bakbakan ng 5th Scout Ranger Battalion at mga terorista sa Barangay Kabbon Takas, Patikul, Sulu noong Agosto 29.

Pinarangalan din sina Private Greggy Danggoy na nagtamo ng sugat sa bakbakan ng 32nd Infantry Battalion laban sa mga teroristang grupo sa Barangay Taung noong Hulyo 31.

“We will continue to intensify the conduct of focused military operations in the province of Sulu to neutralize the remaining local terrorist group members,” sinabi ni Vinluan.

“The gallantry and sacrifices of our brothers-in-arms are our inspiration and motivation in bringing our peace campaign to greater heights,” pagtatapos ni Vinluan. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.