Abante Tonite Interactive

Nasunog ang buhok

DREAM CATCHER

73

Napanaginipan ko pong nasunog daw po ang buhok ko. ‘Yung bandang laylayan lang naman po. Ang natatandaan ko may apoy na hindi ko lang malaman kung saan nanggaling tapos bigla ngang naabot ng apoy ang buhok ko. Nataranta daw ako pero naagapan ko naman ang pagkalat ng apoy kaya bandang dulo lang ang nasunog. Dito na ako nagising. Ano po ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Ang panaginip tungkol sa buhok ay itinuturing na isang positibong panaginip. Kung pagbabatayan ang spiritual meaning ng iyong panaginip, ang buhok ay sumisimbolo sa lakas tulad na lamang ng Biblical story ng buhok ni Samson.

Ang buhok ay simbolo rin ng wisdom at dahil dito sumentro ang iyong panagi­nip, indikasyon ito na nasa isang sitwasyon ka kung saan tila nasusukat ang iyong ga­ling, ang iyong lakas. Kumbaga ay masasabing napapasabak ka sa isang sitwasyon kung saan nararamdaman mong kailangan mong ibuhos ang iyong effort. Dahil ang buhok ay sumi­simbolo rin sa vanity dahil ito nga ang itinuturing nating crowning glory, ang iyong panagi­nip ay puwede ring indikasyon na anumang sitwasyon ang pinagdaraanan mo ngayon ay batid mong maraming nagmamasid sa iyo. Sa anumang ginagawa mo, aware ka na nakasalalay ang iyong reputasyon.

Ang panaginip mo na nasunog ang iyong buhok ay maaari namang indikasyon na sa gitna ng iyong pinagdaraanan, natatakot kang makagawa ka ng kapalpakan. Dahil nga pakiramdam mo’y mara­ming mga matang sumusukat sa iyo ngayon, mas lalo kang natatakot na madismaya ang mga taong ito. Ang apoy na malapit sa iyo ang puwede namang simbolo ng mga taong tumata­yong kritiko mo.

Ang apoy ay nakakapaso at kung ikokonek natin ito sa isang seryosong pinagdaraa­nan, natatakot kang mapaso. Natatakot kang makagawa ng pagkakamali. Pero ang bahaging nagawa mo namang agapan ang pagkalat ng apoy sa iyong buhok ay isang positibong indikasyon dahil naging alerto ka. Hindi nasunog ang buong buhok mo dahil mabilis ang naging reaksyon at aksyon mo.

Kung may pinagdaraanan ka ngang seryosong sitwasyon, puwedeng maging ganito ang iyong interpretasyon.

Pero dahil ang buhok ay simbolo rin ng senswalidad, sekswalidad at maging ng iyong kalusugan, puwede rin namang iba ang ma­ging interpretasyon ng iyong panaginip. Halimba­wang ikaw ay teen­ager, maaaring ang pagkasunog ng iyong buhok sa iyong panaginip ay maaaring indikasyon lamang na masyado kang naaapektuhan sa impresyon sa iyo ng mga tao sa paligid mo. Kung ganito naman ang iyong sitwasyon, kailangan mo lamang magrelaks at isiping anuman ang pisikal ay isang bahagi lamang ng ating pagkatao dahil higit pa ring dapat pagtuunan ng pansin ang pagkakaroon ng maayos na karakter at dignidad.

***

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating pana­ginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispirit­wal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang pa­naginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.