Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nasunog na bus, pagbagsak ng eroplano nahulaan

0 115

Nasa bungad pa lang ng 2021 ay swak agad ang hula ng isang psychic tungkol sa mga sakunang mangyayari ngayong taon.

Nakapanayam nitong Enero 2 sa programa ng Abante Radyo Tabloidista na ‘Diskusyon’ si Bro. Arman Cuban, isang kilalang psychic kung saan binahagi nito ang kanyang mga nakikitang magaganap, isa na rito ang mga aksidente sa transportasyon.

Isa sa binabala ni Cuban ay disgrasya sa mga bus at eroplano. Sinabi niya na isang commercial at government airplane ang babagsak.

“Pag-ingatan natin ang mga disgrasya. ‘Yung mga trak, bus, mag-ingat dahil may madidisgrasya,” saad ni Cuban.

“Airplane may babagsak, government airplane saka commercial airplane. Dasal pa rin ang kailangan natin,” aniya pa.

Matatandaan na nitong nagdaang Linggo, Enero 3, ay nagliyab ang isang pampasaherong bus sa gitna ng Commonwealth Avenue, Quezon City. Namatay dito ang isang konduktora at ang suspek na kinilalang si Edwin Dejos.

Samantala, 62 ang nasawi sa pagbagsak ng Boeing 737-500 sa Jakarta, Indonesia nitong Sabado, Enero 9.

Leave A Reply

Your email address will not be published.