Abante Tonite Interactive

Nasunog na MBC building ninakawan

0 234

Matapos masunog ang Star City na kumalat sa mga pasilidad ng Manila Broadcasting Company (MBC), pinagnakawan pa ang radio at television network.

Sa panayam sa dzmm kay MBC Vice President Deo Macalma, nakita niyang bukas ang dalawang drawer sa kanyang opisina at nawawala na ang mahahalagang gamit niya rito gaya ng mga alahas at cash.

Isa pang empleyado ang nawalan ng P60,000 cash na pambili sana ng equipment.

“Imposible na may makikialam or outsider dahil may instruction kami, trusted namin itong mga guwardiya namin. Walang ibang nakapasok, kaming mga empleyado di makapasok eh. Ang nakapasok lamang doon ay ‘yung mga firemen,” ani Macalma.

Iimbestigahan na umano ng Bureau of Fire Protection ang naturang insidente. (IS)