Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nasunog na MRT bagon sisilipin

0 56

Itinalaga ni Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) OIC-General Mana­ger Assistant Secretary Eymard Eje ang Safety and Security Unit (SSU) ng rail line upang ma­ngasiwa sa imbestigasyon sa nangyaring insidente ng sunog sa isang bagon ng kanilang tren noong Sabado ng gabi, Oktubre 9, sa bandang Makati City at nagresulta sa pagkasugat ng walong pasahero nito.

Sa isang pulong kasama ang maintenance provider ng MRT-3 na Sumitomo-MHI-TESP nitong Lunes, sinabi ni Eje na titingnan ng pamunuan ang lahat ng posibleng anggulo hinggil sa pangyayari upang malaman ang puno’t dulo nito at upang hindi na maulit ang insidente.

Nabatid na sinimulan na rin ng MRT-3 nitong Lunes ng umaga ang masusing inspeksiyon ng iba’t ibang components ng depektibong bagon bilang bahagi ng imbestigasyon sa pagtutukoy ng sanhi ng insidente.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Kasama sa pag-inspeksiyon ang maintenance team, technical personnel ng MRT-3 sa pangunguna ni Director for Operations Michael Capati, at SSU sa pa­ngunguna ni Ret. PBGen. Joselito Salido.

Magugunitang isang bagon ng MRT-3 ang nag-apoy habang bumibiyahe mula sa Buendia Station patungong Guadalupe Station sa Makati City.

Sanhi nito, nataranta ang mga pasahero at nagtalunan sa riles na nagresulta sa pagkasugat ng walo sa kanila. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.