Abante Tonite Interactive

Nasunugan ng bahay sa Australia, nanalo ng $1M

272

Minalas man ang isang lalaki matapos na masunog ang kanyang bahay dahil sa wildfire, bigla namang bumuhos ang biyaya matapos itong manalo sa lotto.

Panalo ang isang Australian ng one million Australian dollars, o P34.8-million, nang masaktuhan ang mga winning number sa lotto.

Malaking bagay ito para sa lalaki na ayaw magpakilala dahil nasunog ang kanyang bahay sa New South Wales noong nakaraang taon.

Hindi rin umano insured ang kanilang bahay kaya walang natira maski isa.

“This is a miracle,” ayon sa lotto winner.

Ginamit umano ng lalaki ang ‘special number’ ng kanyang misis na nagsilbing susi para sa pagkapanalo sa lotto.

Sa Australian wildfire, 954 na kabahayan ang nasunog, ayon sa New South Wales Rural Fire Service. (RP)